Abante Tonite Interactive

Highest grossing movie ng Taiwan magpapaiyak sa ‘Pinas

528

Ang highest grossing ng Taiwan na More Than Blue, ay nandito na para magpa-in love at magpaiyak.

Ang More Than Blue ay tungkol kay Chang a.k.a K (Jasper Liu), isang lalakeng may may taning na ang buhay, at kay Song a.k.a Cream (Ivy Chen) na kanyang bestfriend. Matagal na silang magkaibigan at nakatira sila sa iisang bahay, ngunit wala silang romantic relationship. Pero ang totoo ay high school pa lang ay in love na si K kay Cream. At dahil ayaw niyang maiwang mag-isa si Cream kapag namatay siya, naisip niyang tulungan ito na hanapin ang kanyang Mr. Right. Pero kaya ba talaga ni K na makita ang taong mahal niya na masaya sa piling ng iba? At ito ba talaga ang gusto ni Cream?
Ang More Than Blue ay remake ng isang South Korean film na may parehong title na ni-release noong 2009. Unang lumabas ang pelikula sa Taiwan noong November 2018 at sa unang tatlong araw ay tumabo agad ito ng NT$32 million.

Maganda din ang pagtanggap na nakuha ng More Than Blue sa 23rd Busan International Film Festival na ginanap noong October 2018. Sold out sa loob ng limang minuto ang 5,000 tickets ng pelikula sa festival, at nanalo si Jasper Liu at Ivy Chen ng “Face of Asia” award.

Ang main cast ng pelikula na si Jasper Liu at Ivy Chen ay parehong mga in demand stars sa Taiwan.

Sa More Than Blue ay may perfect chemistry kaya mas naging heartwarming at heartbreaking ang pelikula. Palabas ito sa February 26, mula sa Viva International Pictures.