Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Higit 100 baboy pinatay sa Cotabato

0 291

Lampas 100 baboy ang kinatay sa tatlong barangay sa Magpet, North Cotabato upang mapigilan ang pagkalat ng African Swine Fever (ASF).

Ayon kay provincial veterinarian Dr. Rufino Sorupia, pinaniniwalaang infected ng ASF ang 100 baboy sa mga barangay Magcaalam, Ilian at Binay. Marami pa aniyang baboy ang inaasahang isasalang sa culling sa susunod na mga araw.

Sa kabila aniya ng pagsisikap nilang huwag makapasok sa North Cotabato ang ASF sa pamamagitan ng mga hog quarantine checkpoint ay nakalusot ito sa Magpet. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.