Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Higit 100 tourist site sa Bicol bukas na

0 82

Handa na umanong tumanggap ng mga turista ang nasa 104 tourist site sa Bicol, kasunod ng pagsailalim sa lalawigan sa modified general community quarantine (MGCQ), ayon sa Department of Tourism (DOT).

Ayon kay Fe Buela, DOT officer-in-charge, matapos ang pagpapatupad ng MGCQ, inalis na ng Bicol Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang travel restriction, at pinapayagan na ang mga lokal na turista na magsagawa ng travel tour. Dagdag pa ng opisyal kabilang sa mga maaari nang bisitihin ay mga beach resort, island destination, natural tourism tulad ng mga bundok, waterfall, at river cruising, gayundin ang historical landmark.

Pinayagan umano ang pagbabalik operasyon ng mga tourism site ngunit na ipatupad ang minimum health requirement tulad ng face mask, face shield, washing of hands, at physical distancing. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.