Abante Tonite Interactive

Higit 1,000 babae na nahalikan ko — Duterte

By
2,609

Sa kabila ng mga banat at batikos dahil sa kontrobersiyal na halik sa isang Pinay sa South Korea, ipinagmalaki ni Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte na mahigit isang libong babae na ang nahalikan nito sa labi.

Ayon sa Pangulo, walang malisya ang mga halik nito sa mga babae lalo na at ito ay dahil sa kanyang pagiging politiko.

Tuwing panahon ng kampanya ay ma­raming mga babae ang nahalikan nito sa labi, karamihan ay mga supporter nito.

“Kaya ‘yung natutunan ko my father was governor for 12 years. Diyan ko natutunan ‘yang politika. And I really embrace and kiss people. Huwag lang ‘yang pedophile ka. But ‘yung magaganda, hinahalikan ko talaga. Uso ‘yung baller. Tapos mag-distribute ako, sabi ko ‘Who wants to be kissed? You can have this but you have to kiss me on the lips.’ And I kissed them. Maybe I have kissed a thousand ladies on the lips,” anang Pangulo­.

Binigyang-diin ng Presidente na ang pag­halik sa mga babae ang style niya sa politika.

Nagbiro pa ang Pangulo sa kanyang talumpati sa inagurasyon ng bagong airport sa Cebu noong Huwebes na handa siyang humalik muli kung mayroong magboluntaryong magpahalik.

“What about the kiss? Halik … Sabi ko kung may volunteer ngayon eh … Eh ano? ‘Di ba tinanong ako ni [Luchi] Who was that ‘yung nag-anchor ng debate? O tinanong niya, “Mayor, may ba­lita na babae ganu’n…” So sabi ko, “tama ka.” It’s bio­logy. You don’t need it? I do. Talagang ganu’n lang. That’s the long and short of it. Biology,” dagdag pa ng Pangulo.