Abante Tonite Interactive

Higit 100K puno sa Mt. Pulag nasunog

326

Sa walong araw na forest fire sa ‘playground of the gods’ sa Mount Pulag, Kabayan, Benguet, nasa 191.54 ektarya na puno ng mga kahoy na ang nasunog na pumatay sa 106,547 na forest tree at mga sapling­ (mga batang puno) na nasa panga­ngalaga ng Expanded National Greening Program (ENGP) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ayon kay Office of Civil Defense-Cordillera Administrative Region (OCD-CAR) at Disaster Risk Reduction Management Council chairman Albert Mogol noong Martes, nagsimula ang forest fire noong Pebrero 18.

“The fire started in Sitio Bulok of Barangay Adaoay of said town which spread to Barangay Anchokey in the same town,” ani Mogol.

Sinabi ni Mogol, ayon na rin sa DENR na ang nasusunog na area ay mga gulayan na karamihan ay nasa “grassland and pine forest located on mountainous terrain, mostly steep to very steep slopes coupled with high exposure, making it extremely fire hazard.”

Dahil sa sunog, sinara ng Mount Pulag park management ang southern­ ingress ng Akiki Trail para na rin sa kaligtasan ng mga pumupunta roon. (Allan Bergonia)