Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Higit 10K estudyante inambunan ng food pack

0 554

Dahil sa extension ng general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila hanggang July 15, binigyan ng Pamahalaang Lungsod ng mga food packs ang may 10,600 na estudyante na naka-enroll sa ibat-ibang mga daycare center sa Valenzuela City.

Tinawag itong “Alagang Valenzuelano Daycare Nutripacks, ayon kay Mayor Rex T. Gatchalian.

Sabi ng alkalde ang mga bata ang vulnerable sectors nitong COVID-19 pandemics, kaya bukod sa food packs may kalakip itong mga babasahin hinggil sa pag-obserba ng tamang quarantine protocol na dapat sundin ng mga magulang sa kanilang mga anak.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang mga laman ng food packs para sa mga bata ay 1.7-kg. powdered milk, liquid milk, fruits , jelly juice drinks , isang bag ng macaroni noodles , mga delata ng chicken at beef at asukal.

Ito ang 2nd wave ng Alagang Valenzuelano Nutri-Packs distribution na unang ginawa noong Abril.

“Public daycare students will get their 2nd Nutri-Pack from the city government… We want to make sure they have enough nutritional intake during these quarantine times,” pahayag ni Mayor Rex.

Leave A Reply

Your email address will not be published.