Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Higit 10M na naturukan kontra virus

0 90

Mahigit 10 milyong dose na ng COVID-19 vaccine ang naiturok sa buong bansa, ayon sa Malacañang nitong Lunes.

Sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque nasa kabuuang 10,065,414 na ang naturukan kontra COVID-19 hanggang noong Linggo, Hunyo 27.

“Ang average daily administered doses sa nakaraan pitong araw ay nasa 236,867 doses. Tiwala tayo na maabot natin ang 500,000 daily vaccination rate na ating target basta patuloy ang pagdating ng suplay ng bakuna sa ating bansa,” ayon kay Roque.

Muli rin pinaalala ni Roque sa publiko na kailangan makumpleto ang dalawang dose ng COVID-19 vaccine para maging ganap ang proteksyon kontra virus. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.