Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Higit 120K preso pinalaya mula 2020

0 50

Umabot sa 122,178 person deprive of liberty (PDL) ang napalaya sa detensiyon mula Marso 17, 2020 hanggang nitong Pebrero 11, 2021 sa kabila ng COVID-19 pandemic, ayon kay Chief Justice Diosdado Peralta.

Dagdag niya, may 192,444 video conference hearing ang naisagawa mula Mayo 4, 2020 hanggang Pebrero 5, 2021 sa mga korte.

SM food to go Banner Ad

Nabatid na tiniyak sa video conferencing hearing na ang mga kaso ay didinggin sa maayos na paraan at makakatugon sa ipinatutupad na social distancing at mga guideline para sa remote work.

Magugunita na noong Marso 16, 2020 ay nag-isyu si Peralta ng AC 31-2020 at inatasan ang lahat ng korte na bawasan ang operasyon at maglagay na lamang ng skeleton staff para siyang umakto sa mga importanteng bagay sa korte dahil na rin sa umiiral na pandemya. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.