Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Higit 14K pa bagong COVID case

0 87

Mahigit 14,000 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala ng Department of Health (DOH) hanggang nitong Lunes ng hapon sa buong bansa.

Dahil sa 14,610 bagong kaso kung kaya’t umakyat na sa 1,755,846 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng coronavirus.

Ayon pa sa DOH COVID-19 Case Bulletin No. 520, nasa 10,674 ang bagong gumaling kung kaya’t sumampa na sa 1,618,808 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa sakit.

SM SuperKidsDay Banner Ad

May 27 bagong namatay kaya nasa 30,366 na ang kabuuang nasawi sa virus.

Nakapagtala naman ng 106,672 aktibong kaso ng COVID.

Mula Agosto 14 ay mahigit 14,000 kaso ng COVID ang naitatala ng DOH kada araw. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.