Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Higit 1K Manilenyo natodas sa COVID – Isko

0 211

Muling umapela si Mayor Isko Moreno sa mga taga-Maynila na magpabakuna na upang magkaroon ng karagdagang proteksiyon laban sa CO­VID-19.

Babala pa ng alkalde na nasa 1,121 indibidwal na ang nasawi sa lungsod matapos tamaan ng COVID-19 infection hanggang nitong Mayo 6.

Kabilang aniya sa mga nasawi ay isang barangay chairman na malapit niyang kaibigan.

Binigyan-diin ni Moreno kung naturukan ng bakuna ang isang indibiwal ay hindi na siya makararanas pa ng malala o kritikal na sakit dapuan man ng COVID-19.

Subalit nilinaw din ni Moreno na kahit nabakunahan na ay kailangan pa ring maging maingat para hindi mahawaan ng sakit. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.