Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Higit 1K OFW na umuwi tengga sa quarantine

0 84

Nasa 1,441 kabuuang bilang na mga overseas Filipino worker OFW ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahapon mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Unang dumating ang 200 OFW mula sa Dubai sakay ng Bayanihan Flight PR 659 na lumapag sa NAIA Terminal 1. Kasama sa nasabing bilang ang mga marinong Pinoy na dumating kasabay ng mga land-based OFW.

Habang ang ibang OFW naman ay dumating mula sa Singapore sakay ng flight OK-761, sinundan ito ng galing sa Doha, Qatar lulan ng PR-685, buhat sa Bahrain na sinakay ng Gulf Air flight GF154.

Dalawang flight naman ang galing sa Taipei, mayroong nagmula sa Riyadh, Saudi Arabia. mga nagmula sa Cambodia at Bangkok, Thailand.

Mula sa Incheon, South Korea ang huling lumapag sa NAIA Terminal 1.

Inihatid silang lahat ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) personnel sa mga hotel para sa 14 araw na mandatory quarantine bago makauwi sa kanilang mga pamilya. (Otto Osorio)

Leave A Reply

Your email address will not be published.