Abante Tonite Interactive

Higit 1K pasaway sa kalye, kalaboso

290

Umaabot sa 1,033 mga pasaway ang nahuli sa magdamagang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) na ikinasa ng Eastern Police District (EPD) nitong Linggo.

Batay sa report, nasa 12 katao ang nahuli sa pag-inom sa kalsada, 142 ang arestado sa smoking­ ban, 21 ang dinampot sa kasong half-naked o walang damit pang-itaas na kadalasang lalaki ang nahuhuli, 70 ang nahuling kabataan na pagala-gala sa kalsada at nasa 788 ang inaresto sa ibang paglabag sa batas.

Sa kabuuan, nasa 766 mga pasaway ang nahuli sa Pasig City, 160 ang dinampot sa Mandaluyong, 60 katao ang inaresto sa Marikina, at nasa 47 katao ang inarestong pasaway sa San Juan City.

Ayon sa nakalap na report mula sa EPD, patuloy ang pagsasagawa ng SACLEO laban sa mga residenteng hindi sumusunod sa ordinansang ipinatutupad ng pamahalaang lokal na sakop ng mga lungsod ng Pasig, Mandaluyong, Marikina at San Juan. (Vick Aquino)