Abante Tonite Interactive

Higit 1K pulis iniimbestigahan sa pamumulitika

283

Mahigit 1,000 pulis ang iniimbestiga­han ng Philippine National­ Police (PNP) dahil sa umanoy pagkakasangkot ng mga ito sa partisan politics sa kakatapos na midterm election.

“Meron po tayong iniimbestigahan. Mahigit 1,000 din dun na under investigation na tinitingnan natin these are allegations kasi,” pahayag ni PNP Director General Oscar Albayalde sa press briefin­g sa Camp Crame nitong Martes.

Dahil sa may mga reklamo, ilang mga police personnel aniya na nagsilbing security escort ng mga kandidato ay pansamantalang ni-relieve habang isinasagawa ang imbestigasyon.

“In fact, in the conduct of elections, those who were found giving security to candidates were relieved already and undergoing investigation,” pahayag ni Albayalde.

Mayroondin umanong mga natanggap na ulat si Albayalde hinggil sa ilang police officer na nakikialam sa politika at kumampi sa isang kandidato.

“Until now, we still get allegations nung participation ng mga police natin kaya natalo yung ganito nang dahil dun sa chief of police,” paliwanag ni Albayalde.

Paulit-ulit na sinabi ni Albayalde bago ang eleksyon sa mga miyem­bro ng PNP lalo na sa mga opisyal na huwag sasawsaw sa politika bilang isang alagad ng batas. (Edwin Balasa)