Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Higit 1K sa Tuguegarao nagpositibo

0 259

PUMALO kahapon sa 1,004 ang naitalang bilang ng nagpositibo sa kaso ng coronavirus didease-19 (COVID-19), ayon sa Tuguegarao City Health Office (TCHO).

Ayon kay Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano, sa ulat ng TCHO, sa kabuuang ito, 80 ang panibagong kaso habang 41 naman ang mga nakarekober na sa sakit at walang panibagong nasawi.

SM food to go Banner Ad

Sinabi ni Soriano, malaking porsyento ng mga natamaan ng sakit ay mula sa komunidad sumunod ang mga front liner, ayon sa datos ng TCHO.

“Manatili sa loob ng bahay at obserbahan ang minimum health standards, sa loob o sa labas man ng ating mga tahanan,” paalala ni Soriano. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.