Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Higit 1M AstraZeneca bakuna dumating na

0 192

Tinanggap kahapon ng pamahalaan ang mahigit 1.7 milyong doses ng AstraZeneca na donasyon ng United Kingdom.

Ayon sa ulat, tinatayang 1,746,160 ang kabuuang bilang ng mga nasabing bakuna na dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 dakong alas-kuwatro hapon.

Ito ang ikatlo at huling batch ng 5,225,200 AstraZeneca bakuna na donasyon ng UK. Dumating ang unang dalawang batch sa Pilipinas noong Huwebes at Biyernes.

Inaasahang gagamitin ang mga bagong dating na bakuna sa tatlong araw na national vaccination na magsisimula sa Nobyembre 29. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.