Abante Tonite Interactive

Higit 2,000 kaso ng pulis sa pagpatay iniimbestigahan ng PNP-IAS

By
15

Aabot sa mahigit 2,000 kaso ng mga pulis na sangkot sa homicide case o pagpatay sa mga umano’y nanlabang drug suspect ang iniimbestigahan na ng Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS).

Ayon kay PNP-IAS Inspector General Atty. Alfegar Triambulo awtomatikong iniimbestigahan ng IAS ang lahat ng mga ganitong insidente kung saan nagpapaputok ng baril ang mga pulis na sangkot sa operasyon.

Kung totoo aniyang nanlaban ang mga suspek, ito ay justifiable circumstance kaya karapatan ng mga pulis na ipagtanggol ang kanilang sarili.

Pero sa ngayon aniya marami sa mga kasong ito ang umabot sa summary dismissal proceedings, ito ‘yung mga napatunayan na hindi ‘justified’ ang pagpatay sa suspek.

Bukod aniya sa pag-imbestiga sa mga police operations na may namamatay, tinitingnan din daw ng IAS ang performance ng mga pulis sa pagresolba ng mga ibang kaso ng pagpatay sa kanilang area of responsibility.