Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Higit 20K bagong kaso ng coronavirus

0 44

May 20,745 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala ng Department of Health (DOH) hanggang alas-kuwatro ng hapon nitong Lunes, Setyembre 13, sa buong bansa.

Base sa DOH Case Bulletin No. 548, umabot na sa kabuuang 2,248,071 indibiduwal ang dinapuan ng coronavirus sa bansa dahil sa naitala na mga bagong kaso nito.

Tuloy naman sa pagtaas ang mga aktibong kaso na umabot na sa 180,293 kahapon.

Nakapagtala ng 22,290 bagong gumaling kung kaya’t nasa 2,032,471 na ang kabuuan ng nakarekober sa virus.

Nadagdagan ng 163 ang bilang ng mga nasawi kung kaya’t umabot na sa 35,307 ang kabuuan ng mga namatay sa bansa dahil sa COVID.

Nabatid pa na may 60 kaso na unang tinukoy na nakarekober pero nalaman sa final validation na namatay pala. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.