Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Higit 2K Pinoy galing abroad lumapag sa NAIA

0 72

Aabot sa 2430 Filipino repatriates na galing sa Gitnang Silangan, Turkey, Japan at South Korea ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahapon.

Sa abiso Media Affairs Division (MAD) ng Manila International Airport Authority (MIAA), unang dumating sa bansa ang 300 repatriates mula sa United Arab Emirates (UAE) lulan ng Philippine airlines flight at 300 repatriates din galing sa Riyadh, Saudi Arabia lulan ng SV flight862.

SM food to go Banner Ad

Hapon naman nang dumating ang 600 repatriates na hinati sa dalawang flights ng Etihad airways flight EY424 at EK 332 flight na nagmula sa United Arab Emirates (UAE).

Sa gabi naman dumating ang may 1,030 Pinoy repatriates na binubuo ng apat na flights mula Doha Qatar, Turkey, Japan, Saudi Arabia at Korea.

Ang mga nabanggit na Pinoy ay sinalubong ng OWWA , DOH at iba pang sangay ng pamahalaan para sumailalim sa awtomatikong mandatory 14-day quarantine. (Otto Osorio)

Leave A Reply

Your email address will not be published.