Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Higit 3K sa PNP, BFP pinaaksyon sa Cagayan, Isabela

0 146

Umaabot sa 3,267 tauhan mula sa Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP) ang kasalukuyang nagsasagawa ng mga search and rescue at disaster response operations, sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Coast Guard, Armed Forces, at Local Government Unit (LGU) rescue teams sa mga lalawigan ng Cagayan at Isabela.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo M. Año, binubuo ito ng 1,087 police personnel mula sa iba`t ibang mga LGU at 920 police officers mula sa Reactionary Standby Support Force ng Police Regional Office 2 na nakabase sa Tuguegarao City.

SM food to go Banner Ad

May 1,260 na tauhan ng BFP na ipinakalat sa lahat ng LGUs ng Rehiyon 2 kasama ang 28 tauhan ng Emergency Medical Service and Special Rescue Unit ang napakilos at nagsasagawa ngayon ng mga disaster response operations, aniya pa.

Sinabi ng DILG Chief na ang mga reserve contingents mula sa iba pang mga Police at Fire Regional Offices at PNP at BFP National headquarters ay tinipon na rin para sa rapid deployment. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.