Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Higit 42K preso nabakunahan sa coronavirus

0 80

Inanunsiyo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na nasa 35% na o 42,493 ng 122,498 bilanggo sa iba’t ibang pasilidad ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa buong bansa ang nabakunahan laban sa COVID-19 hanggang noong Setyembre 13.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, sa naturang bilang ay 27,951 ang nakatanggap ng first dose, 7,473 ang 2nd dose at 7,069 naman ang naturukan ng single-dose vaccine kung kaya’t kumpleto na ang bakuna.

Tiniyak rin ni Año sa publiko patuloy ang koordinasyon ng DILG at BJMP sa National Vaccine Operations Center at mga lokal na pamahalaan para mabakunahan ang mga jail officer at bilanggo sa 467 district, city at municipal jail sa buong bansa.

“Nakikiusap kami sa ating mga LGU [local government unit] na bigyan ng sapat na alokasyon ang mga PDL [persons deprived of liberty] at jail officers. Napakadelikado na magkaroon ng hawaan sa loob ng mga piitan kaya dapat ay bakunado rin sila,” panawagan ng kalihim. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.