Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Higit 500K OFW humihingi ng ayuda

0 455

Umaabot na sa 572,442 na mga overseas Filipino worker ang humihingi ng tulong sa pamahalaan dahil apektado ang kanilang trabaho ngayong may pandemya.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), inaprubahan na nito ang pagbibigay ng ayuda sa 240,583 OFW at 203,585 sa kanila ay nakatanggap na ng ayuda sa ilalim ng AKAP program kung saan P2 bilyon ang inilaan ng kagawaran para mabigyan ng tig-P10,000 ang bawat isa.

Para mabigyan lahat ng 572,442 OFW na humingi ng ayuda, kailangan ng pamahalaan ng mahigit P5.7 bilyon.

Sabi ng DOLE, gumawa na ito ng tracking system para maisaayos ang pagpapauwi at pagkakaloob ng tulong sa mga OFW gayundin sa mga paalis pa lang. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.