Abante Tonite Interactive

HIGIT 50K HOUSING, NANGANGANIB SA ‘AGAW-BAHAY’

By
12

Nasa mahigit 50,000 idle housing units o pabahay ng gobyerno ang posibleng lusubin ng mga maralita kung patuloy babalewalain ng National Housing Authority (NHA) ang pagresolba sa lumalaking housing crisis sa bansa.

Ayon sa grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay), maglulunsad dila ng nationwide protest para ihirit ang mas maraming ‘agaw-bahay’.

Ayon sa national chairperson ng Kadamay na si Gloria ‘Ka Bea’ Arellano, titiyakin nilang walang mga nakatiwangwang na pabahay ng gobyerno na hindi napapakinabangan ng taumbayan.

Giit ni Arellano, panahon na para baguhin ang makupad na aksyon ng NHA sa pamamahagi ng pabahay sa mga homeless Filipinos.

Sa pagtaya ng Kadamay, nasa 53,000 idle housing units na para sa mga retiradong pulis at sundalo ang nasa Metro Manila at mga katabing probinsya na hindi naman natitirahan ng mga benepisyaryo.

Nagbanta ang grupo na kung hindi ipamimigay ang mga nakatenggang pabahay, siguradong tatargetin ito ng mga maralitang matagal nang gustong magkaroon ng sariling bahay.