Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Higit 600 nagpositibo sa drive-thru testing

0 438

Nasa 4,000 katao na ang sumalang sa dalawang drive-thru testing center para sa COVID-19 ng Manila government, ayon kay Mayor Isko Moreno kahapon.

Sa mga na-test, 667 ang nagpositibo hanggang noong Huwebes, dagdag ng alkalde sa panayam sa ANC.

Bukas sa lahat ang libreng COVID test sa mga drive-thru testing center na matatagpuan sa Lawton at Quirino Grandstand mula Lunes hanggang Biyernes ng 8AM hanggang 5PM.

Para masustena ito sinabi ni Moreno na nangangailangan ang lungsod ng P2 milyon kada araw.

Leave A Reply

Your email address will not be published.