Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Higit 7K centenarian nakatanggap ng P100K

0 62

May kabuuang 7,322 na ang bilang ng mga Pilipino na nabigyan ng P100,000 cash incentive matapos nilang umabot sa edad na 100 mula nang maisabatas ang Republic Act No. 10868 o Centenarians Act of 2016.

Ayon kay Anakalusugan party-list Rep. Michael Defensor, patuloy na popondohan ng Kongreso ang programang ito.

“We in Congress are absolutely committed to sustain the funding for the P100,000 cash gift of all Filipinos who reach the age of 100 years old, whether residing in the Philippines or abroad,” sabi ni Defensor.

SM food to go Banner Ad

Ginawa ni Defensor ang pahayag sa National Respect for Centenarians Day, na ipinagdiriwang tuwing unang Linggo ng Oktubre.

Binanggit pa ni Defensor na sa ilalim ng panukalang 2022 national budget, naglaan sila ng panibagong P135.8 milyon para sa pagkakaloob ng P100,000 cashy bonus sa 1,350 Pilipino na inaasahang magiging 100 taong gulang na sa susunod na taon. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.