Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Higit 800 matitigas ulo hinuli sa QC

0 232

Mahigit 800 katao ang dinampot ng mga tauhan ng Quezon City Police District dahil sa paglabag sa ordinansa ng lungsod na kailangang magsuot ng face mask kapag nasa pampublikong lugar.

Ayon kay Department of Public Order and Safety (DPOS) head Gen. Elmo San Diego, ang mga nahuling 874 katao ay lumabag sa Executive Order No. 25 at City Ordinance No. 2936 kung saan inoobliga ang face mask sa mga publikong lugar dahil na rin sa COVID-19 pandemic.

Ang mga nahuli ay isinailalim sa seminar at pinauwi rin kalaunan. (Riz Dominguez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.