Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Higit 9K estudyante sa Maynila may 3-buwang allowance

0 97

Makakatanggap ng 3 buwang allowance ang may 9,100 estudyante sa Maynila.

Ito ay matapos pirmahan ni Manila Mayor Isko Moreno nitong weekend ang payroll ng 8,295 college students at 805 senior high school (SHS) students mula sa city-run Universidad de Manila (UdM).

Nabatid kay Moreno na ang college students ay tatanggap ng P3,000 bawat isa habang ang mga SHS students ay tatanggap ng P1,500 bawat isa para sa kanilang buwanang allowance mula Enero hanggang Marso, 2021.

SM food to go Banner Ad

Ayon sa alkalde, ang financial assistance para sa mga estudyante ay umaabot sa P26 milyon na bahagi ng social amelioration program ng pamahalaang lungsod ng Maynila kung saan ang mga nakikinabang ay ang iba’t ibang sektor sa lungsod.

Ang nabanggit na inisyatibo ni Moreno ay suportado ng buong Manila City Council sa pamumuno ni Vice Mayor Honey Lacuna bilang presiding officer at majority floorleader Atty. Joel Chua. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.