Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Higit P100M shabu nasabat sa Central Visayas

0 123

Nasamsam ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) ang mahigit P100 milyong halaga ng shabu sa serye ng mga isinagawang anti-illegal drugs operation sa Central Visayas nitong weekend.

Ayon kay PNP Officer-in-Charge Lt. Gen. Vicente Danao Jr., dalawa ang arestado sa buy-bust operation malapit sa Osmeña Wharf sa Barangay Poblacion, Lapu-Lapu City, Cebu noong Sabado.

Kinilala ang mga suspek na sina Eric Felisilda, 46, at Neil James Vallesquina alyas `Bolantoy’, 28.

Nasamsam sa dalawa ang 15 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P102 milyon.

SM food to go Banner Ad

Habang sa Bacong, Negros Oriental nakuha mula sa isang suspek ang 200 gramo ng shabu na may halaga na P1.3 milyon.

Dalawang suspek naman ang nasakote sa Talisay City kung saan nasamsam sa kanilang ang 150 gramo ng shabu na nasa P1,020,000 ang halaga.

May dalawa pang suspek na nasakote naman sa Toledo City at nahulihan ng 100.12 gramo na tinatayang nasa P680,816 ang street value.

Pinapurihan naman ni Danao ang tagumpay na anti-illegal drugs operation ng kapulisan. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.