Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Higit P1M shabu kinumpiska sa buntis, dyowa

0 204

Mahigit sa isang milyong pisong halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang buntis at kanyang kinakasama sa buy bust noong Huwebes sa Brgy San Vicente Gapan City, Nueva Ecija.

Sa ulat ni Police Lt. Col. Edilmar Alviar, Gapan police chief, sa tanggapan ni City Mayor Emerson Pascual, kinilala ang dinakip na sina Cedrick James Javate Galang, 31, taga-Brgy Putlod, Jaen; at Janina Roan Valerio Perez, 19, ng Brgy Bayanihan, Gapan City.

SM food to go Banner Ad

Nabatid na nanguna ang mga tauhan ng drug enforcement unit ng city police na nagkasa ng buy bust at nakunan ang mga salarin ng 30 sachet ng shabu na nagkakahalagang P1,122,000.00.

Lumitaw na umano’y live-in partner ang dalawa at si Perez ay tatlong buwang buntis. (Jojo De Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.