Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Higit P200K shabu timbog sa 2 bebot

0 54

Arestado ang dalawang babae matapos mahulihan ng P217,600 halaga ng shabu makaraang magbenta ng ng iligal na droga sa isang pulis na umaktong buyer sa Brgy. Parang, Marikina City kamakalawa ng gabi.

Base sa ulat ng Eastern Police District, kinilala ang mga suspek na sina Michelle Enriquez y Burgos, 27, at Aliyah Hagimanan y Mala alyas `Boss’, 35, kapwa nakatira sa Marikina.

Inaresto ang dalawang bebot matapos ang naganap na transaksiyon sa pagbebenta ng shabu sa isang pulis na umaktong buyer nang magkita sila sa kahabaan ng Burgos St., Brgy. Parang bandang alas-7:10 kamakalawa ng gabi.

Related Posts

Agad na sumalakay ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit kasama ang Regional Mobile Force Battalion at Sub-station 5 nang kumagat sa buy-bust ang mga suspek.

Nasamsam sa mga suspek ng apat na plastic sachet na nasa 32 gramo ang timbang at nasa P217,600.00 halaga ng shabu, dalawang Samsung cellphone, isang Yamaha NMAX at narekober din ang P500 buy-bust money.

Kasalukuyan silang nakakulong sa Marikina Police Station habang inihahanda ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs of Act of 2002 laban sa kanila. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.