Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Higit P7B inutos i-refund ng Meralco

0 51

Inatasan ng Energy Regulatory Commission (ERC) na i-refund ng Meralco ang nasa P7.75 bilyong halaga ng sobra-sobrang siningil ng kompanya sa mga konsyumer mula 2012 hanggang 2014.

Ayon sa kautusan ng ERC, ire-refund na ng Meralco sa susunod na billing cycle at hiwalay na item ito sa babayaran ng mga konsyumer.

Para sa mga residential customer, ang refund ay katumbas ng 46.69 sentimos per kilowatt hour at gagawin sa loob ng 12 buwan.

Sabi ni National Association of Electricity Consumers for Reforms Inc. president Pete Ilagan, mas malaki pa dapat ang i-refund ng Meralco at dapat busisiin ng ERC ang mga gastos nito.

Ayon kay Ilagan, mandato ng ERC na bantayan ang singilin ng mga energy company at busisiin ang mga libro nito na hindi ginampanan para sa 4th regulatory period mula Hulyo 2015 hanggang Hunyo 2019. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.