Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Higit piso bawas singil sa kuryente – Meralco

0 327

Mariing pinabulaanan ng Meralco ang paratang ng isang consumer group na kakarampot lamang ang naging bawas sa sinisingil sa mga kostumer nito.

Sinabi ito ng Meralco matapos ihayag ni David Celestra Tan ng Matuwid na Singil sa Kuryente Consumer Alliance Inc. (MSK) na barya lamang ang pinatupad na bawas singil ng kompanya ngayong buwan.

“Sa katunayan, P1.3870 kada kilowatt-hour (kWh) na ang ibinaba ng singil ng kuryente ngayong taon. Ang kabuuang singil ng Meralco ay bumaba na sa P8.4753/kWh kumpara sa P9.8623/kWh noong simula ng taon,” ayon kay Paul Anthony Isla, Meralco public relations head.

5.2363
“Maaaring maliit na halaga ang ibinaba ng singil ngayong Disyembre para sa tulad ni Mr. Tan, ngunit kung susumahin ang kabuuang singil ay makikita na mahigit piso na po ang natapyas sa kabuuang singil ngayong taon,” diin ni Isla.

SM food to go Banner Ad

Samantala, sa kabila aniya ng alegasyon ng MSK na pilit umaangkat ang Meralco ng supply nito mula sa Quezon Power Philippines Ltd. (QPPL), ang nasabing power generator ay kabilang sa mga legacy supplier o independent power producers (IPP).

Para sa buwan ng Disyembre, 52% ng supply ang inangkat mula sa mga bagong supplier na may Power Supply Agreement ang Meralco, 39% mula sa mga IPP at 9% mula sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM).

Taliwas aniya sa nais palabasin ni Tan, 7% lang ang kinuha ng Meralco sa QPPL na may presyong P5.2363/kWh noong Oktubre at P6.2045/kWh nitong Nobyembre.

“Hindi rin po QPPL ang pinakamahal ng supplier ng Meralco at mas mababa ang singil nito kumpara sa First Gen-San Gabriel, na bagong pinagkukunan ng supply sa ilalim ng PSA na nagtala naman ng singil na P9.99/kwh noon buwan ng Oktubre at P8.81 nitong Nobyembre,” ani Isla.

“Kaya lubos na at kaduda-duda na patuloy ang MSK sa pag-atake at pagkuwestyon sa singil ng QPPL gayun mataas din ang naging singil ng ibang supplier nung nagdaang dalawang buwan,” dagdag ni Isla.

Leave A Reply

Your email address will not be published.