Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hiker nagbigti sa tuktok ng bundok

0 302

Isang lalaki na pinaniniwalaang hiker ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti sa ibabaw ng bundok sa Calauan, Laguna.

Batay sa report ng Calauan police, nadiskubre ang katawan ng hindi pa nakikilalang biktima na nakabigti sa isang puno sa summit ng Mt. Calisungan, sa Barangay Lamot 2 noong Huwebes ng umaga, May 20.

Ayon kay Ambet Malabanan, tour guide, nakita nila ang bangkay alas-6:30 ng umaga habang sinasamahan niya ang ilang hiker patungo sa peak ng nasabing bundok na nasa dalawa at kalahating oras ang layo sa mula sa jumping point ng barangay.

Tinatayang nasa 38-44 anyos ang biktima, nakaasul na polo shirt, green jersey short at may taas na 4’10” hanggang 5’1”.

Walang nakitang anumang sugat sa biktima kaya ayon sa pulisya ay walang foul play sa pangyayari.

Patuloy pang kinikilala ang bangkay na nakalagak ngayon sa isang funeral home sa bayan ng Calauan. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.