Abante Tonite Interactive

Hilahod sa hagdan, damatang opisyal nagpalipat ng opis

By
2,379

Tampulan ng kantiyaw itong isang opisyal ng gobyerno na mahina na ang tuhod at tumatanda na kaya hindi na kayang umakyat ng hagdan.

Nasira kasi ang elevator patungo sa tanggapan nitong opisyal kaya nahirapan na itong makarating sa kanyang opisina na nasa ikaapat na palapag.

Hindi agad makumpuni ang nasirang ele­vator dahil kailangan pa daw i-order ang piyesa sa ibang bansa at idaan sa bidding kaya aabutin ng ilang buwan ang penitensiya ng opisyal.
Dahil dito, bihira na lamang si sir na pumunta sa opisina nito na dati ay araw-araw niyang pinapasukan.

Pero natuklasan ng Tonite na lumipat daw ng opisina si sir upang hindi na niya kailanganin pang maghagdan.

Taliwas ito sa press release ni sir na sa lakas ng kanyang stamina, kayang-kaya pa niya ang ginagawa ng mga millennial. Charot!

Clue: Ang opisyal ay malapit sa kusina ng Palasyo at naging kaklase ng Pangulo at malimit buskahin sa mga talumpati ng Pre­sidente. May bansag itong “Mr. Fashionista”. Gets nyo na?