Abante Tonite Interactive

Hilaw pa para hanguin ang Martial Law sa Mindanao – Palasyo

By
597

Hindi pa nakikita ng Malacañang ang panga­ngailangan na alisin ang Martial Law na ipinatupad sa buong Mindanao.

Tugon ito ng Palasyo sa panawagan ng ilang mambabatas na miyembro ng Party-list group kasunod ng isang taong anibersaryo ng Marawi siege matapos kubkubin ng Maute Isis terror group noong May 23, 2017.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, tatanggalin lamang ang ipinaiiral na batas militar sa Min­danao kapag matatag na ang sitwasyong panseguridad sa rehiyon.

Wala aniyang may gusto na magkaroon ng Martial Law at ipinatupad ito ni Pangulong Rodrigo Duterte para mapigilan ang ibayo pang panggugulo ng mga teroristang grupo.

“Wala pong gusto na magkaroon ng Martial Law beyond the necessity of ha­ving Martial Law. So the palace would like to assure the public that the moment the need for Martial Law ceases it would be lifted. But certainly one year after the siege, the need to lift Martial Law is not yet here. So it will be lifted as long as there is no need for Martial Law,” ani Roque.