Abante Tonite Interactive

Hilbay nalula sa gastos ng mayayamang kandidato

277

Nalula si dating Solicitor Gene­ral at ngayo’y senatorial candidate Florin ‘Pilo’ Hilbay sa gastos ng mga mayayamang kandidato kahit hindi pa man nag-uumpisa ang campaign period para sa May 13 elections.

“I saw the ad spending report yesterday and how much people are willing to spend,” tweet ni Hilbay.

Ang tinutukoy ng 44-anyos na senatorial candidate ng Otso Diretso ay ang ulat ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) tungkol sa mga kandidato sa pagka-senador na milyon-milyong halaga na ang ginastos bago pa ang campaign period.

Binanggit sa ulat na nangunguna sa campaign ads si Mar Roxas na gumastos ng P401 milyon hindi pa man nagsisimula ang panahon ng kampanya.

“Of course we (including slate mates ex-Deputy Speaker Erin Tañada and human rights abogado Chel Diokno) are not included in that wonderful circle. Our campaign survives on a weekly basis, at binubuhay tayo ng napakalaking puso ng ating volunteers,” ayon kay Hilbay.

Sa kabila nito ay hindi umano siya pinanghihinaan ng loob.

“Because politics was never the plan, when I decided to run, I knew that I’d be the underdog again. Balik Tondo, UST Pay Low, at UP College of Law na naman. Lalaban sa mga taong beterano na sa pamumulitika, sa isang larangan na angat na naman kung sino ang may pangalan at pera,” sabi pa ni Hilbay.