Abante Tonite Interactive

Hilera ng mga multo sa tapat ng sementeryo

0 264

Mga ka-Misteryo, nasubok ninyo na bang makipagtitigan o titigan ng hilera ng mga multo?

‘Yan ang ating paksa ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”
Pauwi Isang gabi si Melody kasama ang kanyang boyfriend nang mapadaan sila sa isang sementeryo sa Makati.

Nagkukuwentuhan pa sila habang sakay ng SUV nang biglang mapalingon sa kalye si Me­lody at nasindak siya sa nakita.

Nakita niya ang hilera ng mga multo sa gilid ng kalye na nakatingin sa kanya habang padaan sila. ‘Yan ang inusisang mabuti ng #Misteryo kay Melody.

Misteryo: “Nong makita mo ‘yong mga multo, nakatitig sila sa iyo? Pero teka lagi ka bang nakakakita ng mga multo?”

Melody: “Lately, bihira akong makakita ng mga multo saka usually paisa-isa lang mga nakikita ko. Ngayon lang ito nangyari na marami akong nakita sa isang lugar, siguro dahil nasa tapat kami ng sementeryo.”

Misteryo: “Anong hitsura ng mga nakita mong multo sa lugar na ‘yon?”

Melody: “Lahat lalaki at lahat nakabarong o nakaputi at nakahilera sila sa gilid ng kalye. Hindi ko masyado maaninag ang mga mukha nila pero alam ko nakatingin sila sa akin. Ganon ba ‘yon? Pag nakikita mo sila, alam nila ‘yon at titingnan ka nila?”

Misteryo: “Ganon nga ‘yon kapag clairvoyant ka at nakikita mo sila, alam nila ‘yon at susundan ka nila pero depende naman ‘yon sa sitwasyon.

‘Yong iba pag alam nila nakikita mo sila, titingin lang tulad ng karanasan mo. Anong sumunod na nangyari?”

Melody: “Hindi naman sila sumunod sa akin tinitingnan ko nga sa back seat ng sasak­yan baka may sumama sa amin, wala naman.”

Misteryo: “Frankly speaking, bakit kaya madami silang nakita mo npng gabing ‘yon. Madalas din ako dumaan diyan sa tapat ng semen­teryong ‘yan.

Ang alam ko this week sunod-sunod ang mga patay na ini­hatid diyan. Baka naman sila ‘yong mga namayapa o kaya kasamang naghatid at sumundo.”

Melody: “Palaisipan nga sa aking ‘yon. Anyway Salamat sa mga info.”

Baka may kuwentong karanasan kayo ng Misteryo at kababalaghan, mag-email sa TeamMisteryo2019@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsiba­yan.com at abante.com.ph.