Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Himchan nagtangkang magpatiwakal

0 186

Nag-attempt na mag-commit ng suicide si Himchan sa kanyang bahay noong June 13. Siya ay dating miyembro ng boy group na B.A.P. .

Bago niya ito gawin, nag-post ito ng black photo sa kanyang Instagram account. Nag-post din ng mahabang sulat sa IG niya mismo. Nakasaad sa sulat niya ang pagre-reflect sa mga maling nagawa niya raw at paghingi ng apology, lalo na sa kanyang mga fan na nagtiwala raw at sumuporta sa kanya.

Naagapan ng mismong ina ng singer ang tangkang pagpapakamatay nang may tumawag dito para sabihin na mukhang may hindi magandang binabalak si Himchan.

Sa ngayon, stable naman na raw ang kondisyon nito.
Ayon sa dating miyembro ng B.A.P.,nag-fail siya na ma-meet ang expectations ng mga fan at nagso-sorry siya dahil na-disappoint niya ang mga ito sa nagawa niyang action.

Na-convict kasi si Hamchin for sexual assault sa reklamo sa kanya nu’ng 2018,

Sa comment naman sa kanya, marami naman ang nagwi-wish pa rin na maging okay pa rin ang lahat para sa idol. At sana raw, natuto na ito sa nagawang pagkakamali at ngayon ay nagbago na talaga.

Leave A Reply

Your email address will not be published.