Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Himchan Nov. 30 ang hearing sa korte

0 601

Naka-set ang first trial sa darating na November 30 para sa former B.A.P. member na si Himchan. Ito’y matapos ang walong buwan simula nang mag-attempt siya ng suicide.

Convicted si Himchan sa kasong sexual assault. Ang Seoul Central District Court ay nag-order na kailangan niyang kumpletuhin ang 10-month prison term at 40 hours of a sexual violence treatment program.

After ng court decision, umapela naman si Himchan against the court order .Naglabas din siya ng mahabang letter of reflection and apology sa kanyang Instagram account.

‘Yun nga lang, after that, nagtangka siyang magpakamatay sa kanyang apartment noong June 13 ng gabi.

Ang isang kaibigan nito ang nakaramdam na may hindi siya magandang gagawin kung kaya naisalba pa ang buhay niya.

At dahil nga sa November 30 na ang unang trial ni Himchan, marami ngayon ang curios na makita kung ano na raw ang hitsura nito. Matagal din siyang nawala mula nang lumabas ang kaso.

Leave A Reply

Your email address will not be published.