Abante Tonite Interactive

Himutok ni Austria sa palpak na reperi walang magawa!

By
1,676

Para kay Leo Austria, may ilang kuwestiyonableng calls o non-calls sa dulo ng Game 5 ng San Miguel Beer-Ginebra Finals nitong Linggo, pero ayaw nang sisihin ng Beermen coach ang officiating.

Bunga ng 87-83 loss Linggo nang gabi sa Smart Araneta Coliseum ay naiwan ang San Miguel sa best-of-seven series 3-2, naging do-or-die sa kanila ang Game 6 bukas sa MOA Arena.

Ilan sa mga nakita ng mga miron na violation na hindi napituhan ang tila paglabas na sa playing court ni Scottie Thompson habang­ nakikipag-unahan sa rebound kay Arwind Santos. Nagmukhang traveling din si Justin Brownlee sa isang play na nagresulta sa drive ni Thompson.

Ayon kay Austria, ilang players pa niya ang nagrere­klamo na napa-foul na pero hindi raw natatawagan.

“Even on my last timeout, I wasn’t able to give instructions because they kept on complaining and the time expired,” anang six-time champion coach ng SMB.

Wala daw siyang ibang sinisisi, lalo ang officiating.

“Everybody has his own opinion. He is the one playing­ there eh. He feels there were non-calls, they can feel it eh,” dagdag ni Austria sa reklamo ng kanyang players. “It’s beyond our control. I’m not blaming anyone because we still had a chance to win the game and make the last possession.”

Hindi nga nakadiskarte sa dulo ang San Miguel, walang basket sa final 3:17 samantalang isinara ng Ginebra ang laro sa ikinasang 9-0 run, anim na sunod dito mula kay Scottie Thompson.