Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hinabol ng ABS-CBN: Sarah tinanggihan ang TV5

0 158

Sa gitna ng mga kung ano-anong intriga kung bakit hindi napagkikita lately si Sarah Geronimo sa ASAP Natin ‘To, nananatili pa rin naman daw Kapamilya si Popstar Royalty.

Ito ang tsika ni Ogie Diaz sa kanyang latest vlog.

Isa kasi sa espekulasyon ay baka nga raw lilipat na ng network si Sarah kaya hindi na sumisipot sa ASAP, pero ayon kay Ogie at sa kanyang co-host na si Mama Loi, nagpapahinga lang daw ang misis ni Matteo Guidicelli and at the same time ay gumagawa rin ng album.

Pero ayon kay Ogie, marami raw ang nabababawan na ito lang ang dahilan ni Sarah kung bakit hindi nakakapag-ASAP. ‘Yun pala ay may malalim pang tsika sa likod nito.

Ayon sa kanyang co-host, si Sarah raw ang kinukuha ng TV5 na umano’y lumipat. At ang first show dapat nito ay ‘Born to Be a Star’ na sa pagkakaalam namin ay co-producer ang Viva.

Pero hindi raw pumayag ang ABS-CBN at hinabol daw talaga si Sarah. Nag-counter-offer daw ang Kapamilya para hindi umalis ang kanilang prized possession sa network.

Sarah opted to stay in ABS-CBN pero bigla namang nagkaroon ng negosasyon ang TV5 at Kapamilya network na eere na ang ASAP sa Kapatid network.

So, maaaring ito raw ang dahilan kung bakit hindi naga-ASAP ngayon si Sarah. Parang for delicadeza raw at marahil nga ay nahihiya dahil nga tumanggi ito sa offer ng TV5.

Ayon naman kay Ogie, kung ‘yun daw ang feeling ni Sarah eh irespeto na lang pero aniya, sa tingin daw niya ay mas malalim pang dahilan.

May duda rin ang iba na baka naman preggy na si Sarah sa first baby nila ni Matteo kaya nagpapahinga ito ngayon.

Pero base naman sa announcement ni Regine Velasquez last Sunday sa ASAP Natin ‘To, malapit na raw bumalik si Sarah sa show.

Kaya abangan na lang natin kung ano ang susunod na kaganapan.

@@@

Kris sa dating app may basbas ni Bimby
 
 
 

Inanunsyo ni Kris Aquino sa kanyang social media accounts na join na rin siya sa dating app na Tinder at may permiso raw ito ng kanyang bunsong anak na si Bimby.

Pero ito raw ay may kaugnayan pa rin sa kanyang pagiging endorser ng Shopee. Kinakailangan daw niyang mag-register at mag-create ng profile sa Tinder.

Kaya kapag nag-create na raw siya ng profile, tinanong niya ang mga netizen kung jojowain ba siya o totrophain.

“So on Friday when i create my profile, jojowain o totropahin nyo ba ko? Ready to swipe right?” aniya.

Samantala, sa Feb. 14 ay ipagdiriwang ni Kris ang kanyang 50th birthday at inanunyo nga niyang may inihahanda siyang sorpresa para sa kanyang mga fan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.