Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hinagupit ni ‘Odette’ kasado na P5K ayuda

0 239

Hinayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakahanda na ang pamahalaan para bigyan ng tig-P5,000 ang bawat pamilyang nasalanta ng bagyong ‘Odette’.

“May pera naman. I am giving P5,000 per family. Itong pera na nakuha ko, which I have gathered, will be sufficient for the assistance of P5,000 for everybody,” saad ng pangulo sa kanyang ‘Talk to the People’ nitong Lunes.

Ayon naman kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, naglabas na ng isang joint circular para sa pag­lalatag ng guidelines na susundin sa pagbibigay ng ayuda sa mga biktima ni ‘Odette’.

Saad ng kalihim, nasa P4 bilyon ang kabuuang halaga ng kanilang ibibigay na ayuda.

“Humigit kumulang P4 billion ang pamimigay na ayuda… Ayon sa DBM (Department of Budget and Management), mare-release bukas sa mga LGUs,” pahayag ni Año.

Inaasahang matatapos ang pagbibigay ng ayuda sa loob ng 15 araw, kung saan tutulong sa pamamahagi ang mga sundalo at pulis. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.