Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hinaing ng biktima: Amaia condo talamak nakawan

0 396

Sa nagdaang dalawang linggo, apat na insidente na umano ng pagnanakaw ang nangyari sa isang condominium sa Cubao, Quezon City pero hindi man lang diumano nabigyang-alerto ang mga tenant.

Ayon ito kay Access Travel and Tours CEO Angely Dub, habang nagbababala sa mga netizen laban sa Amaia Skies Cubao. Aniya, pinasok ang kanyang condo unit sa ika-35 palapag ng condo noong Linggo ng madaling-araw.

Sa kanyang social post, nagbahagi ng larawan ang negosyante kung saan makikitang umistambay pa ang mga suspek dahil sa iniwang makalat na kama, inumin at upos ng sigarilyo.

Aniya, maswerte umano siyang nanatili siya sa bahay ng kanyang ina mula noong Biyernes.

Sabi pa ng negosyante, sinamsam ng mga kawatan ang lahat ng kanyang pinaghirapan, kabilang ang kanyang residency card sa Pilipinas, maliban sa kanyang mga pasaporte.

SM food to go Banner Ad

Nakausap din aniya niya ang iba pang unit owner at ayon kay Dub, “Other people choose to stay quiet but I won’t, if I went home last night I could have been raped or killed without anyone knowing about it.”

Dagdag niya, “You pay 3-6M to these greedy people to possibly get murdered and no can save you because they might be part of it anyway.”

“A big residential establishment like this without CCTV cameras? Really. Shame on all of you!” ayon pa kay Dub. Maghahain din umano isya ng reklamo laban sa pamunuan ng condo dahil sa insidente.

Habang sinusulat ito, wala pang pahayag ang pamunuan ng condo. (Riley Cea)

Leave A Reply

Your email address will not be published.