Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hinaing ng road race organizer

0 229

Matagal ng kilala ng TP si Adi delos Reyes.

Batikang race organizer siya sa ilalim ng Eventologist Co. sa Metro Manila. Maginoo, mahinahon, mabait, marunong makisama. Kaya hindi ko mapahindian ang paghingi niya ng tulong sa isa naming pag-uusap sa FB messenger.

Bago niya narating ang mahusay na pagiging race organizer/director , minsan siyang naging top salesman ng Rubberworld, Adidas at Accel. Siya rin ang nasa likod ng sports brand na Champion at nakapagdaos na rin ng vertical runs at 3×3 basketball event.

Nitong Enero nagbasketbol ang nag-iisang 20-anyos na anak niyang lalaki na si Andrew Joshua delos Reyes sa kalapit na village nila sa San Mateo, Rizal at nagpalipas ng gabi sa pagbi-video games sa isang lugar na malapit sa bahay ng kaibigan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ni-raid ng mga pulis ang bahay, naghahanap ng droga, hindi natiyempuhan ang may ari ng bahay na ng mga oras na iyon. Dismayado, umaresto na lang ang mga awtoridad ng kahit na sino, kabilang si Andrew Joshua at kinulong sa San Mateo jail.

Gulantang ang pamilya ni Adi, kinasuhan pa ang anak ng pag-iingat umano ng kalahating kilo ng marijuana nang walang basehan. Maraming sablay sa police blotter na hindi maipaliwanag sa kanya.

“Lumaki ang ang anak ko sa sports at medical family. Maraming mali sa police report na hindi nila maipaliwanag,” ani Adi.

Sana masilip po ito ng mga nakatataas.

Leave A Reply

Your email address will not be published.