Abante Tonite Interactive

Hindi ako na-stroke dahil talo — Dagupan City mayor

454

Pinabulaanan ni incumbent Dagupan City Mayor Belen Fernandez na siya ay na-stroke at dinala sa ospital makaraang matalo noong May 13 midterm election.

Ayon kay Fernandez, giniit niya na malakas na malakas ang kanyang pangangatawan at katunayan ay nakapagpahinga ito at nakapagbawas ng timbang dahil medyo nabawasan ang trabaho.

Si Fernandez ay natalo ng kanyang incumbent Vice Mayor Brian Lim nitong nakaraang halalan.

Sa katunayan aniya, napuntahan din niya ang ilang mga aktibidad nang umaga noong Miyerkoles.

Sinabi ng alkalde na gawa-gawa lang ng kanyang mga kritiko na siya ay naospital dahil sa sakit na stroke.

May mga ulat diumano na isinugod sa pagamutan ang alkalde matapos makaranas ng stroke kasunod ng pagkatalo niya kay Lim sa katatapos na 2019 midterm election.

Umaasa ang alkalde na ngayong tapos na ang eleksyon ay magkakasundo na ang lahat at alisin na ang poot at hidwaan para sa pag-asenso ng siyudad. (Allan Bergonia)