Abante Tonite Interactive

‘Hindi ako pang-housewife’ — Solenn

By
2,803

Nasa plano ni Solenn Heusaff na magkaroon ng baby pero ito raw ay isang bagay na ayaw niyang madaliin.

“Nico and I have been talkin­g about it for 3 years. Siyempre, you have to consider a lot of things, iyong schedules, iyong finances. ‘Pag may anak na ako, every year ba ako sa Argentina o 2 months ba ako roon per year. Alam mo naman, may trabaho ako. Hindi ako iyong tipong babae na magha-housewife. So, iyong pagkakaroon ng baby is something that does need to be rushed in at pinaghahandaan siya,” sey niya.

Nilinaw naman niya na hindi siya takot mabuntis dahil sa takot na masira ang kanyang sexy figure.

“Siyempre, lahat naman ng babae, nag-iisip kami. Mag-iiba talaga ang body mo, kahit ayaw mo o gusto mo. It’s a big change for a woman in general. I will deal with it ‘pag nandoon na ako. Hindi ko alam kung magpo-postpartum ako o hindi, pero may chance,” sey niya.

Kung sakaling magka-baby, hindi rin daw niya naisip na patigilin siya ng foreigner-husband sa showbiz.

“Hindi siya iyong tipong nag-i-impose sa akin. Kaya nga, siya ang pinakasalan ko kasi hindi siya nag-i-impose, or else babu na kami,” paliwanag niya.

Anyway, sina Solenn at Paolo ang mga bida sa My 2 Mommies na Mother’s Day Presentation ng Regal Films at mapapanood na simula sa May 9 sa buong bansa.

Ito rin ang pagbabalik-pelikula ng Diamond Star na si Maricel Soriano na may special participation sa natu­rang movie.

Sa direksyon ni Eric Quizon, kasama rin sa pelikula sina Joem Bascon, Dianne Medina at Marcus Cabais.