Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hindi ako retokada – Andrea

0 162

Diretsong sinagot ni Andrea Brillantes ang maling assumption sa kanya ng mga tao na retokada siya.

“Hindi po ako retokada,” aniya sa kanyang latest vlog titled “Reading Your Assumptions About Me” kung saan ay isa-isa niyang sinagot ang mga maling akala sa kanya ng mga tao.

Dagdag pa niya, “pero thanks for thinking that, ibig sabihin may maganda sa mukha ko para maisip n’yo na retokada ako.”

Ipinakita nga niya ang kanyang mga baby pictures at sey niya, “kung iisipin n’yo na peke ‘yung ilong ko, kasi tumubo lang ‘tong bridge ko nun’g Kadenang Ginto kasi manas na manas ‘yung mukha ko dati ta’s du’n ako nagsimulang pumayat.”

Paliwanag pa niya ay nagma-mature naman daw talaga ang mukha ng isang tao.

“At saka ang ilong ang laging hindi tumitigil na lumaki sa mukha ng isang tao,” dagdag pang paliwanag ni Andrea.

Nilinaw rin niya ang assumption sa kanya na mean girl siya sa school tulad ng role niya bilang Marga sa Kadenang Ginto.

“Ako actually ang sobrang loser sa school, pramis. Baka kasi akala n’yo, sobrang totoo ng pagka-Marga ko, akala n’yo ganu’n. Actually, hindi. Ako ‘yung sinasampal sa school. Pramis, totoo, sinampal ako sa school dati,” kwento ni Blythe (real name ni Andrea).

Siya raw ang nabu-bully sa school at ang tawag pa sa kanya ay higad dahil sa makapal niyang kilay, pandak, bungi at demon dahil sa kanyang ngipin.

Pag-amin pa niya, “wala akong friends, as in pagpasok ko pa lang sa school, nursery pa lang, wala akong friends. Hindi nila ako sinasali sa laro nila, lagi lang akong nasa corner. Ako ‘yung ganung bata dati.”

Hindi naman mapigilang maging emosyonal ni Blythe nang sagutin niya ang maling akala na laking mayaman siya. Ang totoo raw ay laking slums siya at napakadami raw nilang hirap na pinagdaanan noon to the point na wala na silang makain.

KINAKAGAT NG DAGA ANG PAA
“Wala kaming sariling bahay at. . .” dito na siya nagsimulang mapaiyak. “Dati, pag iniiwan kami ng mga magulang namin para magtrabaho, wala kaming kama. Alam n’yo ba, sa sobrang hindi ako laking yaman, kinakagat ‘yung paa ko ng daga.”

Sa mga nagsasabi naman daw na maldita siya, snub, suplada, mahirap i-approach, aniya siguro raw ay dahil sa mukha niya bukod pa nga sa mahiyain siya before.

“Ang dami talagang taong nagsasabi na suplada ako. Inayon ko ‘yun, actually. Dati kasi sobrang mahiyain ako. Kasi nga ‘di ba ako nga ‘yung laging hindi pinapansin, ako ‘yung laging nasa sulok lang, ako ‘yung laging binu-bully so hindi ako namamansin ng mga tao kasi, feeling ko lahat sila, aawayin lang ako.

“Pero ngayon winork out ko na ‘yung personality ko kasi nami-misinterpret ‘yung pagiging mahiyain ko sa pagiging maldita. ‘Yung wall ko medyo bini-break ko na siya. Kahit maraming masamang tao hindi dapat ‘yun maging dahilan para baguhin mo ‘yung pagiging mabait mo,” pahayag ni Andrea.

Leave A Reply

Your email address will not be published.