Abante Tonite Interactive

‘Hindi ako retokada!’ — Kim

By
8,192

UMALMA ang Kapuso Pantasya ng Bayan na si Kim Domingo sa pamba-bash sa kanya ng netizens na retokada siya at wala raw siyang karapatan na matawag na isa sa World’s Most Beautiful Faces.

Sa 28th Annual Independent Critics List of 2017 ni TC Candler, na-rank si Kim bilang new entry at number 96.

May higit na 1.2 million followers sa Instagram ang 22-year-old sexy actress at isa sa pinaka-busy na talents ng GMA-7. Lumalabas siya sa Bubble Gang at Super Ma’am.

Sa kanyang Instagram account, nagpadala ng mensahe si Kim para sa maraming kababaihan na dinaranas din ang ma-bash o malait ng mga taong hindi sila nakikilala.

“Just be yourself. Kung ano ka, ‘yun ka.
“Huwag mo baguhin para lang gumanda tingin sa’yo ng ibang tao.”

“Because for me, people will only remember you not because of your beauty, but because of your attitude and personality.”

Marami nga kasi ang nagdududa na hindi orig ang boobs ni Kim, dahil sa laki nito. Pero, marami naman nakakakilala kay Kim na nagsabing nu’ng una pa lang nilang na-meet ang dalaga, malaki na talaga ang boobs nito, kaya hindi na kailangan magparetoke.

“Hindi ako retokada!” sabi pa ni Kim.