Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hindi ako sinapak – Aiko

0 75

Nag-live streaming kahapon si Aiko Melendez sa kanyang YouTube channel para linawin ang aksidenteng nangyari sa kanya noong Martes ng gabi. May benda pa ang noo ng aktres nang humarap sa camera dahil tinahi ito ng nagdaang gabi dahil sa tinamong malalim na sugat.

Ayon kay Aiko, pinili raw niyang mag-live para i-clarify ang ilang mga issues na kumakalat ngayon sa social media matapos niyang ipost sa kanyang Instagram account last Tuesday night ang nangyaring aksidente.

“Para straight from the horse’s mouth na rin what really happened para hindi na mag-speculate kung anon’g nangyari, bakit ako may ganito and bakit may black-eye ang mata ko. Nabugbog ba ako? Napaaway ba ako? Anon’g nangyari? So, para wala nang ano, tsika na hindi maganda, sa ‘kin n’yo na marinig,” bungad na paliwanag ni Aiko sa video.

Kuwento ng aktres, kumakain daw siya ng spicy Korean ramen sa bahay ng Martes ng gabi. At dahil sobrang anghang, naramdamdam daw niyang gusto niyang ilabas ang kinain kaya dali-dali siyang nagpunta sa lababo.

At du’n na nga nangyari ang freak accident dahil tumama ang noo niya sa sink.

“Pagtama sa sink, next thing I knew, nakahiga na ako sa sahig and then my sister, si Michiko kept on shouting and she was saying, ‘ate, ate, ate, ate!’ kasi ‘yung blood was just gushing sa head ko,” lahad ni Aiko.

Nagpa-panic na rin daw ang mga anak niyang sina Andre and Martina. Malaki at malalim daw ang putok sa noo niya kaya naman talagang kailangan siyang dalhin sa hospital para tahiin.

Si Andre ang nagsugod sa kanya sa hospital kasama ang driver nila and good thing, nakahanap sila na hindi masyadong jampacked at COVID-free.

So, ayun na nga ang tinahi na ang kanyang sugat. Nagpa-X-ray din siya sa ulo and thankfully, wala naman siyang fracture. Buti na lang din daw at hindi natamaan ang nerve niya sa mata. She’s okay now at ang kailangan na lang ay pagalingin ang tahi.

“So, ayun po ang nangyari sa akin. Hindi po totoo ang tsismis na nasapak po ako. Hindi po totoo. Sino naman ang sasapak sa akin?” natatawang niyang paglilinaw.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

“Du’n sa mga nagkakalat na nakipag-away ako or anything, it’s unfair. Don’t speculate ang make up things na hindi totoo kasi hindi makakaganda ‘yan at hindi makakabuti sa ating lahat ‘yan,” mensahe ni Aiko.

And of course, isa sa sobrang nag-alala sa kanya ay ang boyfriend niyang si Zambales Vice Governor Jay Khonghun na nag-panic daw at gusto nang umuwi nang Manila nang malaman ang nangyari.

Rhian pinaligaya ang sarili

Ngayong pandemya, ayon kay Rhian Ramos ay mas marami siyang oras para sa kanyang sarili. Ito raw ang true beauty para sa kanya.

Sa kanyang ibinahaging short video ay ipinahayag niya na pagmamahal daw sa sarili ang kahulugan ng tunay na kagandahan.

“We’re in a pandemic and we used to have so many outside factors telling us what beauty is supposed to be. A lot of it was physical, a lot of it was fitness, a lot of it was a kind of fashion that you wear, but now that I really spent time with myself, I can say that beauty is how much you really love you,” ani Rhian.

“Self-love is what beauty is,” she added.

Aniya pa, ito raw ang pinaka-importanteng natutuhan niya ngayong panahong ito.

“When you’re alone with yourself, are you the kind of person that you would have wanted to spend time with? I love spending time with me, to be honest. What you think of you influences what everyone thinks of you,” sey pa ng aktres.

Leave A Reply

Your email address will not be published.