Abante Tonite Interactive

Hindi ako tatanggap ng donasyon sa mga negosyante — Doc Willie

354

Nanindigan si sena­torial candidate Doc Willie Ong na hindi siya tatanggap ng donasyon sa mga negosyante kahit ikatalo pa niya ito sa May 13 midterm elections.

“Hindi po ako tatanggap ng campaign donations mula sa negos­yante. Sa umpisa pa lang, ayoko na mahawakan ako ng mga negosyante. Hindi bale matalo, basta malinis ang daan na tinatahak ko,” diin ni Ong sa kanyang Facebook post nitong Abril 20.

Hinikayat din niya ang mga follower niya na magkomento kung tama ang desisyon niyang huwag tumanggap ng campaign donations mula sa mga negosyante.

“Note 2: Para sa inyong kaalaman: Sa drug company ay hindi ako nagpapabayad para mag-abroad. Hindi din ako nag endorse kahit anong produkto. Fake ads yung nakikita ninyo. Gusto ko MALI­NIS ang payo ko sa inyo. Kaya dito sa pagtakbo natin bilang public servant, nagdesisyon ako na HINDI tatanggap ng pera mula sa Negos­yante. Mayroon bang tao na tutulong ng mil­yones ng libre?” paliwanag pa niya sa FB.

“Tutal, 25 taon na kami tumutulong ng libre sa mahihirap. Itutuloy ko na.
Kaya hindi bale na wala tayong pera at walang mamahaling ads. At kung hindi tayo manalo, basta ang promise ko ay MALINIS ang aking gagawin. Para maging MASAYA at PROUD kayo sa akin kahit ano mangyari sa Mayo 13,2019 (kahit talunan),” dagdag ni Ong.