Abante Tonite Interactive

Hindi ako untouchable!

0 305

Tahasang sinagot ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang mga patutsada ni dating Senador Antonio Trillanes IV na ‘untouchable’ ito sa Duterte administration.

Sinabi ni Panelo na malisyoso at mali ang pagkakaintindi ni Trillanes sa ini-refer nitong sulat sa Bureau of Pardons and Parole para sa hirit na executive clemency ng pamilya Sanchez para kay convicted murderer-rapist Antonio Sanchez at pilit palitawing may basbas ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa kalihim, walang mga sacred cow sa ilalim ng Duterte administration at may zero tolerance si Pangulong Duterte laban sa mga maling gawain ng mga nasa gobyerno at korapsyon.

“We reiterate: there are no sacred cows under the Duterte administration. The Chief Executive does not mince words in giving walking papers to officials involved in such practices,” ani Panelo.

Nakikita aniya ng mga Pilipino na walang kaibigan, kabarilan at kaklase (KKK) sa Duterte administration na dating iniugnay sa dating administration.

Binigyang-diin ni Panelo na lahat ng mga appointee ni Pangulong Duterte ay maingat dahil galit ito sa mga gumagawa ng katiwalian.

“Our people have witnessed that there are no Kaibigan, Kabarilan and Kaklase (KKK) in this administration which the previous dispensation is associated with,” dagdag ni Panelo.

Idinagdag pa ng kalihim na ngayon pa lamang ay nasasanay na siya sa pagiging matakaw sa pananalita ng dating rebeldeng sundalo at dating senador.

“I should by now be used to the vilification binge of the former military renegade whose departure from the Senate was a fresh wind blowing into a suffocated environment,” wika pa ni Panelo.

“I have exercised a high degree of professionalism and full transparency in my three years in serving the government. As the President had said, what I did was not just the correct way but the only and correct way of handling the matter,” paliwanag pa nito. (Aileen Taliping/Prince Golez)